Connect with us

Aklan News

Dahil sa masamang tingin, lalaki sinaksak

Published

on

Dahil sa masamang tingin, lalaki sinaksak

Kulong ngayon sa Kalibo PNP ang isang lalaki matapos manaksak kagabi sa Purok 2 C. Laserna, Kalibo.

Batay sa suspek na si Antonio Pamposa, sa legal na edad na residente ng lugar, nainsulto
siya matapos na ilang beses na tingnan ng masama ng biktimang si Osias Zaulda.

Dumura pa umano ito habang nakatingin sa kanya ng masama kaya niya ito sinaksak sa tiyan at kamay.

Inamin ng biktima na nakainom siya at magulo ang kanyang isip nang mangyari ang
insidente dahil hindi umuwi sa ang kanyang anak na babae.

Sa ngayon ay nagpapagaling pa ang biktima sa ospital habang si Pamposa ay nasa kustodiya naman ng Kalibo PNP.