Connect with us

Aklan News

DAHIL SA NAG SPARK NA LINYA NG KURYENTE, 1 STALL SA KALIBO PUBLIC MARKET, NASUNOG

Published

on

Dahil umano sa nag-spark na linya ng kuryente, tinupok ng apoy ang isang stall sa Kalibo Public Market mag-aalas 4:00 kaninang madaling araw.

Partikular na nasunog ang Stall No.77 na pagmamay-ari ni Bernald Lazo.

Base sa inisyal na report, bandang alas 3:55 kanina nang may nakapansin na nag-iisapark ang linya ng kuryente sa nasabing stall o pwesto.

Doon umano nagsimula ang apoy na lumamon sa mga nakatagong mantika at mga sangkap sa pagluluto.

Kaagad namang dumating ang mga bombero at naapula ang sunog na tumupok sa buong stall, na nag-iwan naman ng tinatayang P500,000.00 o kalahating milyong piso pinsala.

Wala namang nasugatan sa insidente.