Connect with us

Aklan News

Dahil sa nasirang pananim, mister tinodas ng bayaw

Published

on

Humantong sa kamatayan ng isang mister ang pananaga ng kanyang bayaw kagabi sa Brgy. Afga, Tangalan.

Ang nasawing biktima ay si Joel Corpuz, 53 anyos habang suspek naman ang kanyang bayaw na si Bobby Lorenzo, 62 anyos, residente rin ng nabanggit na lugar.

Ayon kay PMSgt. Peril Antaran, naghahapunan ang biktima at ang kanyang pamilya nang dumating ang lasing na suspek na may dalang itak at nanghamon ng away.

Kuwento naman ng anak na babae ng biktima, pinigilan nila ang kanilang ama na lumabas ng bahay pero dumaan ito sa likurang pinto bitbit ang isang steel bar.

Hinagis ng biktima ang steel bar sa suspek pero nakaiwas ito at gumanti ng taga.

Tumakas ang suspek matapos ang krimen habang dinala naman sa ospital ang biktima na kalaunan ay binawian rin ng buhay.

Ayon sa pulisya, nagalit ang suspek nang makitang sinira ng alagang kalabaw ng biktima ang kanyang mga pananim na saging.

Kasong homicide ang kahaharapin ng suspek na nahuli ng mga otoridad da bahay ng kanyang kapatid sa Dumatad, Tangalan.