Connect with us

Aklan News

Dahil sa tumawid na baka, motorsiklo sumemplang; 2 sugatan

Published

on

Photo: MDRRMO- Batan
‎Sugatan ang dalawang babaeng sakay ng motor matapos na sumalpok sa tumawid na baka sa bahagi ng Sitio Centro, Mandong, Batan bandang alas-5:00 nitong Linggo, Mayo 18.
‎Ang mga hindi na pinangalanang mga biktima ay 21-anyos na taga-Angas, Batan at isang 19-anyos na residente ng Camanci ng kaparehong bayan.
‎Sa impormasyon mula sa MDRRMO-Batan papuntang Poblacion, Batan ang direksiyon ng motorsiklo.
‎Pagdating sa lugar ay bigla umanong tumawid ang baka na naging dahilan ng aksidente.
‎Nagtamo ng iba’t ibang sugat sa katawan ang drayber at angkas ng motorsiklo na parehong isinugod ng rumespondeng MDRRMO-Batan sa Altavas District Hospital para sa kaukulang pagpapagamot. l Ulat ni Arvin Rompe