Connect with us

Aklan News

Dalagita nagnakaw ng ballpen sa isang establisyemento sa Kalibo, nahuli-cam

Published

on

Dalagita nagnakaw ng ballpen sa isang establisyemento sa Kalibo, nahuli-cam

Kitang-kita sa CCTV ang pagkuha ng dalagita sa isang box ng ballpen na ibinebenta sa isang establisyemento sa Kalibo.

Sinasabing nangyari ang insidente nitong September 3 dakong alas-12:33 ng tanghali ngunit hapon na ng madiskubre ng sales lady na kulang na ang mga nakadisplay.

Sa pag check sa CCTV, nakita rito ang umano’y dalagita na nakasuot ng puting oversized shirt, black pants at rubber shoes na kumuha ng isang box ng ballpen na kalauna’y inilabas ang mga ballpen sa box at isinilid sa kaniyang bulsa.

Napag-alaman na 12 piraso ang laman ng isang box ng ballpen na may halagang P8 kada isa.

Samantala, ipinarecord narin ito sa Kalibo Pnp para sa karampatang disposisyon.