Connect with us

Aklan News

Dalagita, sinuntok sa mukha ng umano’y mentally challenged na lalaki

Published

on

TAKOT ang naramdaman ng isang 15-anyos na dalagita matapos suntukin sa mukha ng isang lalaki na umano’y mentally challenged sa bahagi ng F, Quimpo Extension Street, Kalibo nitong Lunes.

Ayon sa biktima, pagbaba niya sa eastern terminal ay kaagad siyang nagbantay ng traysikel na masasakyan.

Mula umano siya sa Barangay Dumaguit, New Washington at pupunta sana siya sa bahay ng kanyang kuya sa Barangay Andago, Kalibo.

Ngunit nagulat na lamang siya ng may isang lalaki ang lumapit sa kanya at sinampal siya sa mukha.Dahil dito, natakot ang dalagita kaya agad siyang nagtungo sa himpilan ng pulisya at ipina-record ang nangyari sa kanya.