Connect with us

Aklan News

Dalagitang angkas ng motorsiklo, nahulog-sugatan

Published

on

Screen Grab: Boywarang Vlog

SUGATAN ang isang dalagita matapos mahulog sa sinasakyang motorsiklo sa bahagi ng Sitio Bankerohan, Linayasan, Altavas nitong umaga ng sabado, Mayo 31.

Ang hindi na pinangalanang dalagita ay 16-anyos at residente ng Banga at naka angkas sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang tiyuhin kasama ang pinsan nito.

Ayon sa Altavas MDRRMO, mula sa bahagi ng Banga ang nasabing motorsiklo at papuntang Altavas.

Pagdating sa lugar ay bigla nalang nahulog ang nasabing dalagita na nakaangkas sa dulo ng motorsiklo.

Nagtamo ng tama sa ulo at ibat-ibang bahagi ng katawan ang dalagita na agad nilapatan ng paunang lunas ng naka-off duty na miyembro ng Banga MDRRMO.

Rumesponde rin ang Altavas MDRRMO at dinala ang dalagita sa Altavas District Hospital para sa kaukulang pagpapagamot. Ulat ni Jisrel Nervar