Connect with us

Aklan News

DALAGITANG DINALA SA OSPITAL DAHIL SA PANANAKIT NG TIYAN, BUNTIS PALA SUSPEK SARILING AMA

Published

on

Malagim ang sinapit ng isang 15-anyos na dalagita matapos umanong gahasain ng kanyang sariling ama sa isang bayan dito sa Aklan.

Ayon sa lola ng biktima dinala nila ang dalagita sa ospital kagabi dahil sa pananakit ng tiyan.

Doon napag-alaman na tatlong buwan na palang buntis ang dalagita.

Sinasabing hiwalay ang mga magulang nito at dalawa nalang silang nakatira sa kanilang bahay ng kanyang ama.

Doon na ito pinagsamantalahan hanggang sa ito ay mabuntis.

Sa ngayon nasa Metro Manila na ang kanyang ama nagtatrabaho.

Patuloy naman na ginagamot sa isang ospital ang dalagita.