Connect with us

Aklan News

Dalawa sa tatlong suspek sa bandalismo sa Kalibo, taga ibang bayan

Published

on

Natukoy na ang tatlong lalaking itinuturong responsable sa bandalismo sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay kapitan Niel Candelario ng Brgy. Poblacion, Biyernes pa lang ay natukoy na ang pagkakakilanlan ng mga suspek dahil sa tulong ng CCTV.

Isa sa mga ito ang nasa edad 25 na taga Kalibo habang ang dalawa nitong kasamahan ay magkapatid na 23 at 18 anyos na taga Brgy. Sigcay, Banga.

Batay kay Candelario, nakadepende pa sa legal department ng LGU ang desisyon kung sasampahan ng kaso ang tatlo.

Ipinatawag na rin ni Kalibo Mayor Juris Sucro ang tatlo sa kanyang opisina para magpaliwanag.