Connect with us

Aklan News

Dalawang drayber na menor-de-edad, isang lola, sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo

Published

on

Balete – Aksidenteng nagsalpukan ang dalawang motorsiklo bandang 3:25 kaninang hapon sa Poblacion, Balete na nagresulta sa pagkasugat ng tatlong katao.

Nabatid sa report ng Balete PNP na sugatan ang 17 anyos na driver ng isang motorsiklo pati na ang lola niyang angkas.   Sugatan din ang nakabanggaan nilang 15 anyos na rider.

Ayon pa sa imbestigasyon ng Balete PNP, lumiko palabas sa highway mula sa public market ang maglola subalit hindi umano sila napansin ng isang rider na papunta naman ng Feliciano, Balete.

Dahil dito, aksidenteng nagsalpukan ang 2 motorsiklo, at nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga biktima.

Kaagad na dinala sa health center ng mga taga-MDRRMO Balete ang mga menor de-edad na rider, kasama na ang lola na sinasabing nagka-alta presyon sanhi ng insidente.

Nagka-areglo na ang magkabilang panig.

Continue Reading