Connect with us

Aklan News

Dalawang magkasunod na motorsiklo, sumemplang sa Feliciano, Balete

Published

on

‎Photo: Jet Roberto/ Facebook

SUMEMPLANG ang dalawang magkasunod na motorsiklo sa bahagi ng Sitio Adgawan, Feliciano, Balete bandang alas-4:00 nitong hapon ng Linggo, Hunyo 22.

‎Sa impormasyon, nauna ang isang motorsiklong may angkas samantalang ang kasunod nito ay tanging drayber lang ang sakay.

‎Parehong tinatahak ng dalawang motorsiklo ang direksiyon papuntang bayan ng Kalibo.

‎Dahil sa umano’y madulas na daan sa lugar, sumemplang ang parehong mga motorsiklo.

‎Nagtamo naman ng mga minor injuries ang parehong drayber gayundin ang isang sakay nito, at pareho namang nasa maayos ang kondisyon.