Connect with us

Aklan News

DALAWANG MAGSASAKA, KAPWA SUGATAN MATAPOS MAGTAGAAN

Published

on

Banga – Kapwa sugatan ang dalawang magsasaka matapos magtagaan alas 7:00 kaninang umaga sa Muguing, Banga.

Nakilala ang unang biktima na si Rufino Batiles, 56 anyos, at ang suspek na si Stephen Liberato, 41 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulis, nasa sinasakang palayan noon ang biktima nang biglang dumating si Liberato na armado ng ‘espadeng’, tirador at kutsilyo nang kumprontahin umano nito si Batiles na sinususpetsahan niyang bumutas sa pilapil ng kanilang palayan.

Kasunod nito, minura at hinamon umano ni Liberato si Batiles kung kaya’t dali-dali itong umuwi at kumuha ng espadeng.

Kaagad namang binalikan ni Batiles si Liberato subalit tinira niya ito ng tinirador.

Hindi umano tinamaan si Batiles, kung kaya’t ang kanyang tirador ang ipinambato niya kay Batiles rason na tinamaan ito sa mata.

Dahil dito, saglit na hindi nakakita si Batiles subalit nagawa naman nitong tagain si Liberato para ipagtanggol umano ang sarili.

Ngunit tinangka namang agawin ni Liberato ang ‘espadeng’ ni Batiles, hanggang sa magpangbuno ang dalawa sa palayan.

Nagawa namang pulutin ni Liberato ang sariling espadeng at doon pinagtataga si Batiles sa leeg.

Suwerte namang dumating ang anak na babae ni Batiles kasama si Kagawad Jimmy Zata at 1 barangay tanod at naawat ang dalawa.

Ayon pa sa Banga PNP, kaagad dinala sa ospital si Batiles, habang kusa namang sumuko sa Banga PNP Station si Liberato na may sugat sa kaliwang braso at kanang kilay, bago naman ito dinala at ginamot sa ospital at saka ibinalik sa presento kung saan siya pansamantalang ikinustodiya para sa karampatang disposisyon.