Connect with us

Aklan News

Dalawang motorsiklo nagsalpukan, mag-asawang rider sugatan

Published

on

Sugatan ang mag-asawang motorcycle rider matapos masalpok ng kapwa motorista sa may Roxas Ave., Poblacion, Kalibo nitong Linggo.

Kinilala ang isang driver na si Argie Ranigo sa legal na edad, angkas ang kaniyang  asawa at anak na  12-anyos habang  ang isa namang motorista ay kinilalang si Leo Rey Firmo, 32-anyos at residente ng Brgy. Poblacion, Kalibo.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, papunta sana ang magpamilyang Ranigo sa Brgy. Candelaria, New Washington pero pagdating nila sa intersection ng G. Ramos at Roxas Ave. para dumaan sa isang gasoline station ay aksidente silang nasalpok ng isa pang motorsiklo na papunta sa Kalibo-Numancia Bridge.

Dahil dito, natumba ang dalawang mga motorsiklo kung saan ay nag resulta ito ng pagkasira sa mga bahagi ng parehong motorsiklo.

Samantala, nasugatan sa iba’t-ibang parte ng katawan si Ranigo at ang kaniyang asawa. Maswerte namang hindi nasaktan ang anak nitong angkas at ang isa pang motorista.