Aklan News
Dalawang wanted persons sa kasong r*pe, arestado sa Ibajay


ARESTADO ng lbajay PNP katuwang ang 2nd Aklan PMFC at Aklan PPO Trackers team ang dalawang wanted persons sa kasong r*pe sa magkahiwalay na barangay sa bayan ng Ibajay, nitong Martes, Hunyo 17.
Ang isang akusado na Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng Ibajay at Probinsiya ng Aklan ay edad 51-anyos, residente ng Bugtong-Bato, Ibajay at nahaharap sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Republic Act No. 11648.
Walang itinalagang piyensa ang korte para sa pansamantala nitong kalayaan.
Samantala, isa pang Top 4 Most Wanted Person ng Ibajay na 71-anyos ang naaresto ng mga otoridad sa Brgy. Colong-Colong ng nasabing bayan.
Nagtalaga naman ng Two Hundred Thousand Pesos (Php 200,000.00) na piyensa ang korte para sa kaso nitong Qualified Rape by Sexual Assault.
Ang pagkaka-aresto sa dalawang akusado ay sa pamamagitan ng Warrants of Arrest na inisyu ni Hon. Maria Fe Macabales Taal, Assisting Judge of RTC Branch 3, Sixth Judicial Region, Kalibo, Aklan.
Pansamantalang nasa kustodiya ng Ibajay Municipal Police Station ang dalawang mga indibidwal at nakatakdang iharap sa kaukulang korte ngayong araw. | ulat ni Arvin Rompe