Aklan News
Dating Aklan PPO director pabor sa panawagan ni Sec. Abalos na magsumite ng resignation ang 300 heneral at colonel sa PNP


Pabor si dating Aklan Police Provincial Director at ngayon ay Sangguniang bayan member Nemesio Neron sa panawagan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na magsumite ng kanilang courtesy resignation ang lahat ng heneral at colonel ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay kasunod ng balitang may mga general at colonel ang sangkot sa illegal na droga sa bansa.
Ayon kay Neron ang naturang hakbang ay maitutuwing na “welcome development” para sa hanay ng mga kapulisan.
Aniya, hindi mapagkakaila na may iilan talagang mga opisyal o kahit miyembro ng kapulisan ang sangkot sa iligal na droga.
Giit ni Neron, hindi niya nilalahat pero ito ay batay sa kanyang obserbasyon bilang miyembro ng PNP noon.
Samantala, naniniwala naman ang opisyal na wala namang mga opisyal sa Aklan ang sangkot dito.
“Sa akon nga personal nga obserbasyon, sa aton nga probinsiya it Aklan hay makahambae ta kita, 90% sa aton nga pagpati nga safe ta ro atong statement nga owa ta it mga inbolbado sa droga nga mga ospiyal,” pahayag ni Neron.
Ngunit dahil sa panawagan umano ng DILG Secretary, obligadong ang lahat na sumunod.
“But because of the call… panawagan it aton nga DILG secretary hay dapat hay obligado ro tanan.”
Dagdag pa nito, “Kung ikaw ta ron hay isaeang ka high ranking officer, ag indi ta ikaw magsubmit it imong voluntary resignation buot hambaeaon hay may nahadlukan ka. Kung owa ka it may nakahadlukan karon, limpyo ro imong konsensiya, owa ta ikaw it may ginadaea nga kargo nga ginahambae naton hay basi mauna ka pa nga mag-submit ko imong voluntary resignation.”