Connect with us

Aklan News

Dating alitan, posibleng dahilan ng pananaksak sa 2 lalaki sa banga; suspek, patuloy paring pinaghahanap‎ ‎

Published

on

TINUTUGIS pa rin ng mga kapulisan ang suspek sa pananaksan sa dalawang lalaki sa San Isidro, Banga.
Naganap ang pananaksak sa kasagsagan ng sayawan sa nasabing lugar nitong madaling-araw ng Biyernes.
Kinilala ang mga biktima na sina Jhon Carlo Lachica, 19-anyos at ang isa naman ay 17-anyos na binatilyo at parehong mga residente ng Polocate, Banga.
Natukoy naman kaagad ang suspek na nasa legal na edad at residente ng Brgy. Feleciano, Balete ngunit hindi parin ito nadadakip matapos magtago.
Sa pahayag ni PLT. George Flores, Deputy Chief ng Banga PNP, dakong alas-12:30 nitong madaling-araw habang nasa sayawan ay bigla nalang lumapit ang suspek sa dalawa at sinuntok ang naturang 17-anyos na biktima dahilan ng pagkatumba.
Pagkakita naman ni Lachica ay gumanti naman ito laban sa suspek na naging dahilan ng suntukan hanggang sa bumunot na ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang dalawang biktima.
Naawat naman ito ng mga taga-barangay at dinala ang mga biktima sa ospital habang nakatakas naman ang suspek.
Sa ngayon ay at-large parin ito at patuloy na tinutugis ng mga miyembro ng Banga PNP.