Connect with us

Aklan News

DATING ALKALDE NG PRESIDENT ROXAS KINASUHAN DAHIL SA PAGPAPAPUTOK NG BARIL

Published

on

President Roxas – Nahaharap ngayon sa kasong alarm and scandal ang dating alkalde ng President Roxas, Capiz na si Ramon Locsin kasunod ng pagpapatupok niya ng baril.

Nauwi sa regular filing ang kasong isinampa ng Provincial Mobile Force Company (PMFC) laban sa 73-anyos na dating opisyal matapos lumagpas sila sa itinakdang oras.

Matatandaan na Martes ng hapon naaktuhan ng kapulisan ng PMFC si Locsin na nagpaputok ng kanyang baril sa Brgy. Cabug-Cabug na ikanagulat at ikinatakot ng mga residente doon.

Nasabat ng kapulisan ang dalawang 40 caliber pistol, mga magazine at bala sa pangangalaga ng akusado.

Napag-alaman na ginawang firing range ni Locsin ang likurang bahagi ng Resources Services Livelihood (RSL) building sa nasabing barangay.

Inaalam pa sa ngayon ng mga otoridad kung balido ang permit to carry firearm ng dating alkade o kung hindi ay posible rin siyang kasuhan ng Illegal Possession of Firearm.

Nakahospital arrest si Locsin matapos sumama umano ang kanyang pakiramdam kasunod ng pag-aresto sa kanya.