Connect with us

Aklan News

Dating drug surrenderee na muling naaresto sa buy bust ops, nagpositibo sa drug test

Published

on

NAGPOSITIBO sa paggamit ng iligal na droga ang dating drug surrenderee na muling inaresto ng Kalibo PNP matapos mabilhan ng iligal na droga nitong Biyernes.

Ito ay batay sa resulta ng kaniyang drug test na isinagawa sa crime laboratory sa Capiz.

Matatandaang nahuli ang suspek na kinilalang si Christopher “Tope” Parce sa may Acevedo Street, Poblacion, Kalibo.

Nabilhan ang suspek ng 1 sachet ng shabu kapalit ng P1,000 na buy bust money, dagdag na 3 sachet ng shabu na nakabalot sa isang papel na tinapon ng suspek nang hulihin ito ng mga otoridad.

Samantala sa isinagawang body search, narekober kay Parce ang dagdag na 1 sachet ng iligal na droga, mahigit P4,000 na personal na pera at  iba pang non drug items.

Tinatayang nasa P6,800 ang halaga ng narekober na droga kay Parce na sa ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.