Aklan News
Dating Kalibo Mayor Emerson Lachica, nanindigan na walang palpak na proyekto sa kanyang administrasyon
Nanindigan si dating Kalibo Mayor Emerson Lachica na walang palpak na proyekto sa ilalim ng kanyang panunungkulan.
Aniya, ipinagpatuloy lamang nila ang mga proyektong naumpisahan na ng nagdaang administrasyon.
“Actually, owa ta ron ay continuity ngani it mga projects ro aton nga gina-ubra. Dahil kung pila ro kwarta, duyon malang ro aton ginapa-ubra,” ani Lachica.
Dagdag pa ng alkalde na sa kabila nito ay sinikap niya pa ring matapos ang mga proyekto para sa bayan ng Kalibo.
Saad pa ni Lachica, “Indi pa gid naton matapos ro aton ngaron nga mga… halimbawa ro aton ngaron nga drainage constructions ngaron. Dahil ngani, syempre kapareho makaron nga may naubra ro atong DPWH nga national road sa Cardinal Sin Ave. hasta it Mabilo. Ag imaw man ro mga drainage nga gina-ubra ku aton nga DPWH from Linabuan Norte. So continuity malang ron.”
“Ro aton abi nga gin-umpisahan sa pagpungko naton nga mga drainage hay syempre matag-od, may mga putoe-putoe. So makaron hay ginasugpon naton ag may continuity ro aton nga gina-ubra,” giit pa nito.
Binigyan-diin naman ng dating alkalde na wala siya sinisising administrasyon lalo na construction ng drainage system dahil alam naman aniya ng lahat na ang bayan ng Kalibo ay maituturing na catch basin ng tubig mula sa bayan ng Libacao at Madalag.
Samantala, umaasa si Lachica na matapos na ang ginagawang drainage masterplan dahil ito aniya ang kaniyang nakikitang solusyon para sa dito.