Connect with us

Aklan News

Dating kapitan ng barangay Marianos, Numancia nilinaw ang isyu sa umano’y walang koordinasyong pamamahagi ng ayuda sa kanilang barangay

Published

on

Binigyan-linaw ni dating barangay captain Orly Tuazon ang umano’y walang koordinasyong pamamahagi ng ayuda sa barangay Marianos, Numancia.

Aniya, wala na silang tiwala sa kasalukuyan nilang punong barangay na si Roberto Macavinta dahil noong nakaraang Linggo ay tumanggi itong magbigay ng certificate of indigency sa mga mahihirap nitong residente.

“Hara ro natabo Sir, last two weeks nagpanao iya it financial assistance ro DSWD. Nagpangayo kana it indigency ro mga 30 ka mga pumueoyo hay ginbalibaran ta nana. Owa ta nana pag-isyuhi it indigency. Owa man imaw it rason nga ginhambae ham-an indi imaw magtao it certificate of indigency ag ruyon nga mga tawo ngaron hay pobre. Owa eon kami it salig kana, abo eon ro reklamo kana iya karon,” saad nito.

Dagdag pa ni Tuazon na naiintindihan niya ang pangangailangan ng mga mahihirap nilang residente kasi dati na siyang nagsilbing kapitan sa kanilang barangay.

Sa katunayaan aniya ay nabigyan nila ang lahat ng kanilang mga residente kahit hindi nila idinaan sa barangay ang pamamahagi ng naturang ayuda.