Aklan News
Dating konsehal sa Malinao, pinabulaanan na may kinalaman siya sa kontrobersyal na pamamahagi ng RSBSA forms sa Capataga
Mariing itinanggi ni Former SB Member Greg Imperial na may kinalaman siya sa kontrobersyal na pamamahagi ng mga Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) Forms sa Brgy. Capataga.
Nadawit ang pangalan ni Imperial matapos umanong sabihin ni Kapitan Antonio Fernando ng Capataga na ipinag-utos nito at ni Congressman Haresco na huwag bigyan ng forms o endorsement ang mga kalaban.
Sa panayam ng Radyo Todo, itinanggi ni Imperial na may kinalaman siya sa isyu at hindi rin umano sila nakapag-usap ni Kapitan Fernando tungkol sa mga nabanggit na forms.
“Ginaklaro ko nga uwa ta ako it mga kung alin parte dikaron sa mga butang ngaron,” saad nito.
Kung matatandaan, nauna na ring itinanggi ni kapitan sa Radyo Todo ang mga alegasyon na dinamay niya ang pangalan ng konsehal at ni Congressman Haresco.
Pero naninindigan ang isa sa mga nagreklamo laban sa kanya na si alyas “Borlan” na binanggit niya na mahigpit na ipinag-uutos sa kaniya ng mga nasabing pulitiko na huwag pipirmahan ang mga forms ng kalaban at narinig din daw ito ng kanyang kasamahan./MAS