Aklan News
DATING LOCAL NA MAMBABATAS HINDI PABOR NA MAMILI ANG PROBINSYA NG PALAY
ROXAS CITY – Hindi pabor ang isang dating kasapi ng Sangguniang Panlalawigan, Aldwin Cruz-Am, na mamili ng palay ang local na gobyerno ng Capiz. Ito ang kanyang ipinahayag ng siya ay nakapanayam ng anchorman ng programang ‘Todo Latigo’ ng Radyo Todo Capiz 97.7 FM kaninang umaga.
Matandaan na maraming mga magsasaka ngayon ang nagrereklamo na dahil sa pagpapatupad ng RA 11203 o ang Rice Ratification Law. Ang batas na ito ang pumapayag ng walang limitasyong pag-aangkat ng mga rice traders ng bigas mula sa ibang bansang kasapi ng World Trade Organization (WTO).
Dahil sa RA 11203, bumababa na raw ang sa presyo ng palay ayon sa pamimili ng mga rice traders kung kaya’t nalulugi at hindi makakapag-kumpetensya ang presyo ng bigas ng mga local na magsasaka sa presyo ng bigas na inaangkat mula sa ibang bansa.
Dahil dito, naisangguni ni Gov. Evan Contreras kay Cruz-Am, na isang rice trader dito sa probinsya at dating mambabatas, kung maaari bang ang gobyerno probinsyal na lang ang bibili ng mga produktong palay ng mga magsasaka dito. Hindi ito sinang-ayunan ni Cruz-Am dahil ayon sa kanya mahirap magpatakbo ng ganitong negosyo kapag ito ay hindi natutukang mabuti dahil malapit ito sa kurapsyon lalung-lalo nang mga taong pagkatiwalaan ng gobyerno nito.