Connect with us

Aklan News

Dating OFW, arestado sa buy-bust operation

Published

on

Banga, Aklan – Arestado ang isang dating OFW sa isinagawang drug buy-bust operation sa Diversion Road, Brgy. Tabayon. Banga, Aklan nitong Setyembre a-24.

Kinilala ang naaresto na si Rey Nobleza, 39-anyos tubong Poblacion, Libacao.

Inaresto ng Banga PNP at Aklan Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang suspek matapos na mabilhan ng isang plastic sachet ng suspected shabu kapalit ng P 1,500.00 pesos na buy-bust money.

Pinabulaanan naman ng suspek  ang nakuhang droga at perang ginamit na mark money kung saan hindi raw ito sa kanya.

Ayon pa sa suspek  galing siya sa bayan ng Libacao at namili ng karne na gagamitin sa kanilang restaurant kung saan nakasanayan na nito na nagpapahinga sa labas malapit  sa kanyang restaurant  kung saan siya naaresto..

Dagdag pa nito na kahit kailan ay hindi siya gumagamit o nagbebenta ng illegal ng droga dahil noong magpasya siyang hindi na bumalik bilang isang OFW ay nag-focus na siya sa kanyang negosyong restaurant.

Naniniwala naman si Nobleza na baka iba ang subject  ng pulis at napagkamalan lamang siya ng mga ito.

Samantala, kapag napatunayan, mahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek.