Aklan News
Dating OIC Chief ng LTO Caticlan, hiling na ideklarang persona non grata si Carlo Asturias sa Aklan
HINILING ni Felina Macabales, isa sa mga nabiktima ng pinatalsik na brodkaster na si Carlo Asturias na ideklara siyang persona non grata sa Aklan.
Sa panayam ng Radyo Todo, ikinuwento ni Macabales ang mga pagpapahiyang ginawa sa kanya ni Asturias dalawang taon na ang nakalipas.
Aniya, ilang beses siyang ginawan ng isyu ni Asturias na pawang mga walang basehan nang siya ay nagsilbing OIC ng LTO Caticlan.
Kahit isang beses ay hindi rin siya binigyan nito ng pagkakataong makasagot sa kanyang mga tinalakay na isyu laban sa kanya kahit na personal na niya itong pinuntahan para kausapin.
Ayon kay Macabales, walang respeto at broadcasting etiquette si Asturias kaya dapat itong ideklarang persona non grata ng Sangguniang Panlalawigan sa Aklan sa dami ng mga taong kanyang niloko at hinuthutan ng pera.
“Ro akon nga gina request sa Sangguniang Panlalawigan, ubrahan it resolusyon nga i-persona non grata imaw sa probinsya it Akean,” pahayag sa Radyo Todo
Kung matatandaan, idineklara na siyang Persona non Grata ng Aklan Media Integrated Alliance sa Aklan media industry.