Aklan News
Dating rebelde, kinumpirma na kasapi ng NPA si Brenz Egudas at babaeng kasama nito sa taxi na si Ma. Rita Malandac
Kinumpirma ng isang dating rebelde sa isang press conference sa Aklan Police Provincial Office (APPO) kahapon na kasapi ng NPA si Brenz Egudas at Ma. Rita Malandac.
Batay sa hindi na pinangalanang former rebel, nakasama niya ng apat na taon si Ma. Rita habang si Egudas ay limang taon niyang nakasama at nagsisilbing squad leader.
Dagdag pa niya, mayroong hawak ang mga ito na listahan ng mga pwede nilang pagkuhaan ng revolutionary tax sa kanilang area na sakop ang Aklan.
Kung matatandaan, nahuli at nabaril ng mga awtoridad sa entrapment operation si Egudas sa bayan ng Makato nitong Hunyo 27, 2023 matapos na mangikil ng P1.5 million sa isang negosyante.
Ikinustodiya rin ng pulisya ang kasamahan nitong si Malandac na noong una ay todo tanggi pa na kilala nito si Egudas.
Kinumpirma rin ni PLtCol. Kenneth Paniza, Chief of the Police Community Affairs and Development Unit (PCADU) na si Ma. Rita ay isang aktibong CTG member at nag-surrender na ito sa kapulisan.
“We confirm that Ma. Rita Nagrama, AKA ‘Max’, an active CTG member who voluntarily surrendered at a municipal police station.
Nangako umano ito na susuportahan ang gobyerno sa laban nito kontra terorismo at inaasahan nila na marami pang mga miyembro ng rebeldeng grupo ang matatanggalan ng maskara sa lalawigan ng Aklan.
“Sa kanyang pagbalik-loob sa pamahalaan ay nangako siya na magsusuporta for our fight against terrorism. At sa kanyang pagbalik-loob, malamang marami pa tayong mga member ng CTG at member of the communist affiliated mass organization na matatanggalan ng maskara na nag-ooperate especially in the province of Aklan,” saad ni Paniza.