Aklan News
DATING SB MEMBER, NAGPAKAMATAY
Malay Aklan- Naliligo sa kanyang sariling dugo ang dating SB member ng bayan ng Malay ng matagpuan ito ng kanyang asawa sa loob mismo ng banyo ng kanilang apartment sa isang Brgy. sa Malay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Malay PNP, mga dakong alas 8:00 kaninang umaga ng matagpuan ng kanyang asawa ang 67 anyos na biktima na wala ng buhay.
Ayon pa sa Malay PNP nagtamo ng tama sa kanyang ulo ang biktima.
Narekober naman sa loob mismo ng cr ang isang 9mm pistol na siyang pinaniniwalaang ginamit nito.
Depression dahil sa iniinda nitong sakit ang nakikitang rason ng pamilya sa pagpapakamatay ng biktima.
Isasailim din sa paraffin test ang bangkay nito.
Continue Reading