Connect with us

Aklan News

Decibel meter panukat sa maiingay na tambutso gustong bilhin ng Roxas City gov’t

Published

on

Para dokumentado at patas ang pagpapatupad ng ordinansa, gagamit ng decibel meter ang Roxas City government para masukat ang ingay ng tambutso ng sasakyan.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Konsehal John Paul Arcenas, sumangguni na siya sa tanggapan ng alkalde ng lungsod para bumili ng device na ito.

Ito ay gagamitin ng mga enforcer para malaman kung ang lakas o ingay ng tambutso ay labag sa itinakdang decibel (db) meter.

Iminungkahi rin ng lokal na mambabatas na magdagdag ng mga enforcers tuwing gabi at ang posibleng pag-amyenda sa umiiral na ordinansa ng lungsod kaugnay sa mga “open muffler”.

Para aniya maging patas ang pagpapatupad ng batas, hindi lang mga motorsiklo ang susukatin ang ingay kundi pati ang iba pang mga sasakyan.

Matatandaan na una nang nagpaabot ng hinaing si Konsehal Midelo Ocampo sa Sanggunian kasunod ng umano’y mga reklamo ng ilang residente sa maiingay na tambutso lalo na paggabi.