Connect with us

Aklan News

Delivery driver na tulak umano ng shabu, huli sa buy-bust sa Boracay

Published

on

HULI sa ginawang buy bust operation kagabi ang isang delivery driver na nagtutulak umano ng droga sa isla ng Boracay.

Kinilala ang suspek na si Raniel Lorenzo A.K.A “Reniel”, 37 anyos, tubong Brgy. Mangagawa Guinangayangan, Quezon Province at kasalukuyang nakatira sa So. Lapus-Lapus, Brgy. Balabag, Boracay.

Nagkasa ang mga pulis ng buy-bust operation sa So. Lapus-lapus, Brgy. Balabag, Boracay Island.

Nakuha sa kanya ang dalawang sachet ng shabu na ibinenta umano nito sa halagang Php 2, 000 sa mga operatiba  habang dagdag na dalawang sachet pa ang narekober sa body search.

Inamin ng suspek na gumagamit siya ng illegal na droga pero itinanggi niya na nagbebenta siya ng shabu.

Dadalhin ang akusado sa Iloilo para isailalim sa drug testing ngayong araw.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.