Connect with us

Aklan News

Delivery truck, nahulog sa gilid ng kalsada sa Libacao ‎

Published

on

Photo: Thez Villorente Zausa
‎NAHULOG ang isang delivery truck sa bahagi ng boundary ng Brgy. Julita at Brgy. Bonza, Libacao bandang alas-7:40 nitong umaga ng Biyernes, Mayo 23.
‎Sa inisyal na impormasyon, kukuha sana ang nasabing truck ng mga ikakargang kawayan.
‎Ayon naman kay Thez Zausa, malambot umano ang lupa sa lugar na possibleng naging dahilan ng aksidente.
‎Bukod pa rito, makitid at hindi pa sementado ang daan sa naturang lugar.
Wala namang nasugatan sa nangyari. l Ulat ni Arvin Rompe