Connect with us

Aklan News

DENR Aklan, naglabas ng cease and desist order sa isinasagawang aktibidad sa Secret Falls sa Malinao

Published

on

Malinao, Aklan – Naglabas ng cease and desist order ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Aklan kontra sa isinasagawang aktibidad sa Secret Fall sa San Roque, Malinao.

Sa panayam ng Radyo Todo kay DENR Aklan Technical Services Division Chief Engr. Jurlie Zubiaga, nakitaan ang aktibidad ng paglabag sa Section 20 at 78 ng PD 705 o Forestry Reform Code of the Philippines.

Kinuwento nito na ipinaabot sa kanila ng isang concerned citizen ang naturang isyu at agad nila itong inimbestigahan katuwang ang Malinao PNP.

Nakausap umano nila ang representative ng pamilya na sina Benedicto Iledan ag Rex Bautista at nabatid na isa pala itong private property na dine-develop para gawing isang tourist attraction.

Napag-alaman rin na hindi mining activities ang isinasagawang paghuhukay sa lugar bagkus ay para sa swimming pool.

Gayunpaman, wala silang naipakitang kaukulang dokumento mula sa DENR na nagpapatunay na legal ang aktibidad.

Ani Zubiaga, hindi maaaring gumawa ng anumang klase ng aktibidad sa isang lugar lalo na kapag forest land area nang walang permit mula sa DENR.

Siniguro ng DENR na patuloy nilang imomonitor ang naturang lugar.