Connect with us

Aklan News

DepEd-Aklan: Full implementation ng F2F classes magsisimula sa Nobyembre 2

Published

on

Photo Courtesy: deped.gov.ph

Ipinagbigay alam ni Deped-Aklan Schools Division Superintendent Dr. Feliciano Buenafe, Jr. na sa Nobyembre a-2 pa magsisimula ang implementasyon ng full face-to-face classes.

Ayon pa kay Dr. Buenafe, magiging limang araw na rin aniya ang pasok ng mga estudyante sa loob ng isang linggo.

Aniya pa, magbubukas sa Agosto 22 ang SY 2022-2023 subalit magiging limitado pa rin ito dahil sa Nobyembre a-2 pa ang implementasyon ng full F2F batay sa DepEd Order (DO) na inilabas ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio.

Tatagal ang face-to-face classes sa loob ng 2-3 oras, habang sa bahay na itutuloy ng mga ito ang natitirang oras para sa kanilang pag-aaral.

“Sa August 22, 2022 maga-open na ang aton nga mga eskwelahan para sa aton nga mga learners pero indi pa sya full face-to-face gid, kundi limited pa dyapon. Kag sa issuance nga ginhatag sa aton sang palangga naton nga sekretarya Sara Duterte-Carpio sa November 2 pa kita maga-abre nga full face-to-face nag id kag lima na gid ka adlaw nga ara sa eskwelahan ang aton mga kabataan,” pahayag ni Buenafe.

Sa ngayon ayon sa Schools Division Superintendent nag-umpisa na ang kanilang Brigada Eskwela kung saan nagtutulungan ang mga magulang at stakeholders para sa pagbubukas ng klase.

Sa kabila nito, siniguro ng DepEd na ipatutupad pa rin ang mga health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, social distancing at regular na disinfection sa mga paaralan.

Hindi rin aniya magiging batayan ang alert level system sa isang lugar, kaya ang lahat ay obligado nang mag face-to-face classes.