Connect with us

Aklan News

DepEd-Aklan, rerebyuhin ang kanilang kasunduan sa mga LGU sa paggamit ng mga paaralan bilang quarantine facility

Published

on

Rerebyuhin ng Department of Education (Deped) Aklan ang nauna na nilang kasunduan sa mga Local Government Units (LGUs) sa lalawigan kaugnay sa pagpapagamit ng bahagi ng mga paaralan upang magsilbing quarantine facility.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Deped-Aklan Schools Division Superintendent Dr. Feliciano Buenafe, Jr. sinabi nito na pag-aaralan niya muna ng mabuti ito dahil magdadalawang buwan pa lamang siya sa Aklan subalit ipinasiguro nito na bibigyan niya ito ng kaukulang atensiyon.

Aniya pa, kung mayroon namang sobrang classroom sa mga paaralan at hindi naman maaapektuhan ang implementasyon ng pagbubukas ng klase ay papayagan niya pa rin ang LGU na gamitin ito bilang pasilidad sa mga tatamaan ng COVID-19.

Dagdag pa nito, ito ay upang matulungan din ang komunidad at ang ating pamahalaan sa pagtugon sa nasabing krisis.

Samantala, magsisimula naman ang implementasyon ng face-to-face classes sa Agosto a-22.