Connect with us

Aklan News

DepEd Aklan: Tagumpay ang unang araw ng klase

Published

on

Itinuturing ng Department of Education (DepEd) Aklan na matiwasay at maayos ang unang araw ng pagbubukas ng klase sa buong probinsya sa kabila ng pandemya.

Ayon kay DepEd Aklan Division Superintendent Dr. Miguel Mac Aposin, wala pa silang natanggap na reklamo sa mga help desk sa implementasyon ng distance learning.

Inamin ni Aposin na may maliit na problema gaya ng mga late enrollees pero maliban dito ay wala na namang ibang gusot na naipaabot sa kanilang tanggapan.

May mga paaralan na nagsimula na umanong mamigay ng modules noong Biyernes pero may mga natitirang modules pa rin na hindi pa nakukuha ng mga magulang o guardians ng ilang mag-aaral.

Pahayag pa nito, maaaring magtanong o sumangguni sa mga guro ang mga estudyante o magulang na nahihirapan sa pag-intindi ng mga module.