Aklan News
DEPED AKLAN, WALA PANG NATATANGGAP NA REKLAMO KAUGNAY SA GURO NA NAKIPAG-APID SA ISANG PULIS
Ipapaubaya nalang ng Department of Education (DepEd Aklan) sa Regional Office 6 ang kasong kinasangkutan ng isang public school teacher na nahuling nakikipag relasyon sa isang pulis.
Ito ang naging pahayag ni Aklan Schools Division Superintendent Dr. Miguel Mac Aposin sa naging panayam sa kanya ng Radyo Todo.
Aniya, sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na reklamo s anasabing guro at kung mayroon man ay kaagad nila itong gagawan ng aksyon.
Kaugnay nito, sinabi ni Aposin na kailangang sundin ang proseso dito sa division level hanggang sa Regional level kung may mga Dep-ed employee na masangkot sa kaparehong kaso.
Matatandaang nauna nang nagsagawa ng imbestigasyon ang Aklan Police Provincial office sa pulis na naging karelasyon ng nasabing guro matapos itong ireklamo ng mister na isang OFW.