Connect with us

Aklan News

DEPED DIRECTOR, NAGBORACAY KAHIT CLOSE C0NTACT NG COVID POSITIVE

Published

on

Nagtungo sa Boracay island si DepEd VI Regional Director Ramir Uytico kahit close contact siya ng nagpositibo sa COVID-19 na kanyang kaopisina.

Ito ang inamim ni Director Uytico sa panayam ng Radyo Todo kaninang umaga.

Dumating sa Boracay noong nakaraang araw si Uytico kasama ang ilan pang mga opisyal ng DepEd Regional Office 6 para sa paglunsad ng kauna-unahang School Heads Academy sa bansa.

Napag laman na nagpositibo ang isa nyang staff sa opisina noong Martes at nagtungo sa Boracay sina Uytico noong Miyerkoles.

Alam naman daw diumano ito ni Uytico ngunit kinausap niya ang kanyang medical officer at pinayagan naman sya nito na bumiyahe.

Dagdag pa nito na wala naman syang nararamdamang sintomas ng Covid 19.

Inamin ni Uytico na hindi sya nagpa swab test para makumpirma kung negative nga sya sa Covid.

“Nagnegative naman ang dalawa kong staff na mas malapit sa nagpositive at ako naman ay mas malayo ang table sa kanya at mahigpit ang aming health protocol sa opisina”, saad ni Director Uytico.

“Hindi ko nga nakita ang buong mukha ng staff na yan kasi balot na balot kami sa office”, dagdag pa nya.

Mananatili sa Boracay island ang grupo ni Dr. Uytico hanggang sa Linggo.

Dagdag pa ni Director Uytico, dalawang empleyado na ng DepEd Regional Office sa Iloilo City ang nagpositibo sa COVID-19 kung kaya’t isinailalim muna ito sa disinfection.

Ayon naman kay Aklan Provincial Health Officer Doc. Cornelio Cuachon, nakadepende naman ito sa evaluation ng contact tracing team sa Iloilo City kung dapat bang iswab o i-isolate muna si Uytico.

“Hindi man gid nga kung isa kamo ka office, tanan kamo i-swab. Depende na sa interaksyon with the positive case kung close kamo nga less than one meter, indi man automatic nga i-swab tanan sa office, may low risk man ag high risk, ” saad naman ni Cuachon.