Connect with us

Aklan News

DEPRESSION, SUICIDE: DAPAT PAG-UKULAN NG HIGIT NA ATENSYON

Published

on

Photo from the web.

Kalibo, Aklan – Naitala ang suicide na pangalawa sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga nasa edad 15-29 sa buong mundo.

Paliwanag ng mental health advocate na si Zena Bernardo sa ginanap na mental health awareness campaign kahapon na ang depresyon ay isang silent killer.

Ang mga sintomas nito ay ang matagal na pagiging malungkot, iritable, at pagiging balisa na karaniwang tumatagal ng halos dalawang linggo.

Sa tala ng World Health Organization (WHO), halos 800, 000 katao ang nabibiktima ng suicide kada taon na katumbas ng isang buhay tuwing 40 segundo.

Umaasa ang mental health advocate na maging normal na usapin ang depresyon at mawala na umano ang stigma o o panghuhusga sa mga dumaranas ng depresyon.

Makakatulong sa mga taong may depresyon ang pagtatanong, pakikinig sa kanilang mga problema o pagtawag sa Hopeline.

Ang mga nais na humingi ng tulong ay maaring tumawag sa HOPELINE: (02) 804-4673 o 0917 558 4673.

Ginanap ang Mental Health Awareness Campaign and Sensitive Media Reporting Lecture kahapon, Oktubre 10, kasunod ng selebrasyon ng World Mental Health Day.