Aklan News
DINE-IN SA MGA RESTAURANT, SALON BAWAL NA ULI
Bawal na ang dine-in sa mga restaurant at iba pang food establishments sa Aklan batay sa Executive Order No. 005-D, series of 2021 ni Aklan Governor Florencio Miraflores.
Nakasaad sa bagong labas na EO ang pag-extended ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) with heightened restrictions ng dalawa pang linggo simula June 22, 2021.
Bukod sa dine-in, bawal na rin ang mga outdoor at indoor sports o venues para sa mga contact sports, fitness studious, gym, spa, beauty salon, beauty parlors, medical aesthetic clinics, cosmetic o derma clinics, libraries, museums, galleries at mga cultural shows at exhibits.
Nananatili ring bawal ang pagbukas ng mga karaoke bars, bars, club, concert halls, theater, cinemas at mga recreational venues gaya ng mga internet cafes, billiard halls, amusement arcades, bowling alleys at iba pa.
Samantala, tanging ang mga hotels o accommodation establishments na may valid DOT accreditation lang ang maaaring tumanggap ng mga guest.