Aklan News
DIRECT FLIGHTS MULA SA WUHAN CHINA PATUNGONG KALIBO, SINUSPENDE NG CAAP
Sinuspende na ng Pilipinas ang lahat ng fligts mula sa Wuhan City, China na siyang kinukonsiderang ground zero ng bagong coronavirus na pumatay ng halos 17 katao at nag infect sa masobra 500.
Ayon sa Civil Aeronautics Board, mahigpit din nilang binabntayan ang iba pang mga flights mula China.
Ayon kay CAB Exec. Dir. Carmelo Arcilla, kailangan pagtuunan ng atensyon ang Wuhan dahil sa outbreak ng nasabing sakit.
Sa ngayon dalawang airlines ang may direktang flights sa Wuhan City papuntng Kalibo, Aklan. Ito Ay ang Pan Pacific Airlines at Royal Air Philippines.
Ang Pan Pacific ay nagbabyahe ng charter flights mula Martes hanggang Linggo samantalang ang Royal Air naman ay may charter flights din mula Lunes hanggang Sabado sa Wuhan.
Subalit ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay walang lumalapag na direktang byahe mula o galing sa Wuhan.
Ayon sa Bureau of Immigration , may 141 na mga Chinese nationals ang nakasakay sa Royal Air flight RW 999 na lumapag sa Kalibo Int’l. Airport kaninang umaga.
Inilagay na rin sa lockdown ang Wuhan City ng Chinese government nitong araw at pinagbabawalan ang lahat ng transportasyon papasok at palabas ng syudad.
Mas na pinahigpit ngayon ng lahat ng paliparan ang kanilang monitoring sa bagong coronavirus sa pamamagitan ng thermal scanners.
May inihanda na rin na isolation room ang NAIA at KIA para sa mga pasahero na kailangan i-quarantine na may mataas na body temperature.
Ayon naman sa Civil Aviation Authority of the Philippines, nailatag na nila ang kanilang security measures lalo na sa Kalibo International Airport , kung saan meron itong direct flights mula Wuhan City para maiwasan ang pagpasok ng virus sa bansa.
Ayon kay CAAP Dir. Gen. Jim Sydiongco, muli nilang in-activate ang communicable disease preparedness procedures at pinayuhan ang kanilang mga airport front-line personnel na maglagay ng face masks, panatilihin ang kalinisan at palaging maghugas ng mg kamay.
Ayon Pa kay Sydiongco na sinabihan niya ang mga fontliners sa paliparan na maging bigilante sa pag screening ng mga dumadating na mg pasahero na posibleng infected ng coronavirus.
Umakyat na sa 17 ang death toll dulot ng novel coronavirus o 2019-nCov, at masobra 500 pang mg kaso ang naiulat mula sa China, united states, South Korea, Thailand, Macao, Japan at Taiwan na kinatatakutan na maging pandemic.
Sa ngayon wala pang kumpirmado na kaso ng 2019-nCov sa Pilipinas ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III.
Samantala, ang Mactan-Cebu Airport frontline personnel ay pinapasuot na rin ng face masks para proteksyon dahil sila ang unang sumasalubong sa mga pasaherong dumadating. Ayon kay GMR-Megawide Cebu Airport Corporation Exec. Advisor Andrew Harrison, nailatag na rin nila ang kanilang security measures sa paliparan. Maliban dito may mga medical teams na rin sila na mag aasist sa mga pasahero na ma detect na may lagnat.
Nag aantay na lamang din ng advise si Manila International Airport Gen. Manager Ed Monreal mula sa DOH kung kailangan na ring magsuot ng face mask ang kanilang mga airport personnel.