Aklan News
DISTRIBUSYON NG MGA NAKATENGGANG E-TRIKES NG DOE SA LTO CATICLAN, IPINAGKATIWALA KAY CONG.HARESCO
Ipinagkatiwala na kay 2nd District Cong. Ted Haresco ang distribusyon ng mga nakatinggang E-Trikes o Electric Tricycle sa LTO Caticlan na ibinigay naman ng DOTR sa LTO Region 6, mula sa DOE o Department of Energy.
Sa panayam ng programang Todo Komentaryo, sinabi ni LTO Kalibo Chief Marlon Velez nakabuuang 190 ang mga nasabing E-Trikes kung saan 51 rito ang nasa LTO 6, habang 139 ang para sa Malay beneficiaries kasama ang mga aeta sa Boracay na naapektuhan ng Boracay Closure.
Ayon pa kay Velez, si Cong.Ted Haresco na umano ang magbibigay ng mga Etrikes sa mga nasabing benipesyaryong munisipyo.
Aniya, ipinagkatiwala ito ni DOTr Sec. Art Tugade kay Cong. Haresco noong bumisita ito sa probinsiya ng Aklan noong pinangunahan nito ang pagpapasinaya sa Kalibo Airport Expansion nitong nakaraang buwan ng Hunyo 2021.
Tiniyak pa ni Velez na serviceable o gumagana pa ang mga nasabing E-Trikes kahit nasa 3 taon nang naka tengga sa LTO Caticlan.
Kaugnay nito, opisyal nang tinanggap ni Cong.Ted ang pananagutan sa mga nasabing E-Trikes, sa ginanap na Deed of Donation Signing and Turn Over of Accountability sa pagitan ng LTO Region 6 nitong Martes, sa Nabas Covered Court.