Aklan News
‘DO-IT-YOURSELF’ PPEs ng mga empleyado ng prov’l gov’t at volunteers, ipinamahagi sa mga medical frontliners
Dahil sa kakulangan ng mga Personal Protective Equipment (PPE) na gawa sa pabrika, nagtulong-tulong ang mga empleyado ng Aklan Provincial Government, SK Officials at mga volunteers sa paggawa ng mga improvised PPE.
Kahon-kahon na mga improvised face shields na gawa sa sa foam, acetate at magic tapes ang nailikha na maaring gamitin ng mga health professionals gaya ng mga doktor, nurse at iba pang health workers na patuloy na nakikipagbakbakan laban sa pagkalat ng COVID-19.
Sapat din ang mga nailikhang improvised PPEs para mabigyan ang 17 Municipal LGUs, Philippine National Police at iba pang frontliners.
Maliban sa pamamahagi ng mga ito ay tinuruan din nila ang mga LGUs kung paano ito gawin.
Ang naturang aktibidad ay hakbang bilang pakikipag-tulungan kontra COVID-19.