Connect with us

Aklan News

Doktor nagreklamo matapos punitin ang kanyang mukha sa tarpaulin

Published

on

Nag-report sa mga kapulisan ang isang doktor matapos madatnan na punit na ang mukha niya na nasa tarpulin ng kanilang clinic sa Mabini St. Poblacion, Kalibo.

Batay sa imbestigasyon ng mga kapulisan, dakong alas-5:00 kahapon ng bumaba sa kaniyang clinic ang naturang doktor at doon na nakita ang punit na tarpulin.

Sakto umanong mukha lang nito ang pinunit kaya’t nakaramdam rin ito ng takot.

Minabuti na lamang nitong iparecord ang nangyari sa Kalibo PNP para sa karampatang disposisyon.