Connect with us

Aklan News

DOKUMENTO NG TESDA, PINIPEKE AT IBINEBENTA SA BORACAY

Published

on

kaliboaklan.gov.ph

Kalibo, Aklan – Nagbabala ang Technical Education and Skills Development Office (TESDA) Aklan sa pagkalat ng mga binebentang pekeng National Certificate (NC) sa Boracay.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Provincial Director Joel M. Villagracia, nakarating sa kanila ang modus makaraang may nagdala sa kanila ng mga kopya ng mga National Certificates (NC) na kuwestyonable ang otensidad.

Sa kanilang pagberipika ng mag dokumento, lumabas na hindi tugma ang mga code na nakalagay sa sertipikasyon.

Iginiit pa nito na National Certificate ay hindi binebenta at ibinibigay lamang ito sa mga taong nakapasa sa tamang proseso ng Competency Assessment and Certification.

Panawagan lamang ni Villagracia sa mga hotel at iba pang establisyemento sa Boracay na usisain ng mabuti ang mga NCs na ipinapasa sa kanila.