Aklan News
DOMESTIC FLIGHTS, PAHIHINTULUTAN NANG LUMAPAG SA PROBINSYA NG AKLAN
Nagpalabas na ng Executive Order 028 si Governor Joeben Miraflores ukol sa pagbigay ng pahintulot na magkaroon ng Flights galing Metro Manila papuntang Aklan simula sa unang araw ng Hulyo taong kasalukuyan.
Papayagan ang lahat ng mga Domestic Flights na lalapag lamang sa Kalibo International Airport galing sa nasabing syudad.
Kinabibilangan ito ng mga Locally Stranded Individuals (LSIs) at Returning Overseas Filipinos (ROF).
Tatlong Airline Companies lamang ang papayagang mag-operate ng tig-dadalawang Flights sa loob ng isang linggo.
Kasama na rito ang Philippine Airlines/PAL Express, Cebu Air at Air Asia.
Kaugnay nito, papayagan lamang na makapag-book ng flights ang bawat indibidwal kung may kumpletong requirements ito.
Kabilang dito ang Medical Certificate, Travel Authority at Heatlh Declaration Card.
Alinsunod sa Sec.4 No Health Declaration Card, No Exit.
Ipinapaabot din ni Gov. Miraflores na sumunod ang lahat ng mga uuwi sa Probinsya ng Aklan para maiwasan ang aberya.