Aklan News
DOT-6 HANDA NA SA PAGPASOK NG KOREAN TOURIST SA BORACAY NGAYONG SUMMER
Handa na ang Department of Tourism (DOT) sa muling pagdami ng mga Korean tourist na bibisita sa isla ng Boracay ngayong summer season.
Sa panayam ng Radyo Todo kay DOT 6 Regional Director Christine Mansinares, inaasahan na nila ang pagpasok ng mga foreign tourist lalo na ang mga Korean nationals sa isla ng Boracay.
Naghahanda na aniya ang kanilang ahensiya batay na rin sa rekomendasyon ng Philippine Department of Tourism sa Korea.
Aniya, kailangang magkaroon ng Korean Embassy Accredited na RT-PCR testing center sa isla ng Boracay o sa Caticlan mainland.
Ito kasi ang pangunahing requirement sa muling pagtanggap ng international flights mula bansang South Korea.
“May ara kita dapat Korean Embassy Accredited nga RT-PCR testing center diri sa aton, sa Boracay or sa Caticlan mainland. Isa ini ka importante nga requirement nga ginapangita, before kita makasugod sang aton international flights for Korean market,” pahayag ni Mansinares.
Ayon pa kay RD Mansinares na may dalawang testing center na sa Boracay ang kanilang na-inspection at subject for accreditation pa lamang.
Naisumite na rin aniya nila ang mga dokumento nito sa kanilang embahada sa Cebu.
Binigyan-diin nito na kailangang sumailalim muna ng mga foreign nationals sa RT-PCR test bago bumalik sa kani-kanilang mga bansa.
“Before sila magpauli sa ila lugar, dapat naka RT-PCR na sila.”
“Ang ini nga requirement nga RT-PCR, ini ang before sila magpauli sa ila lugar. Kay base sa aton nga information from our DOT Korean Office, effective March 21, i-lift naman sang Korea ang ila nga quarantine requirements sa ila mga nationals nga magahalin sa bakasyon from other countries,” paliwanag ni Mansinares.
Samantala, para naman sa mga papasok sa Boracay, kailangan lamang magpresenta ng kanilang QR Code dahil ito ang sa guidelines ng Aklan Provincial Government.
“So ang sa QR Code dapat may ara ka da DOT accredited accommodation establishment, you have your vaccination card…nga fully vaxxed ikaw, kag ang imo travel details.”
Sa ngayon ang isla ng Boracay ay nakapagtala na ng kabuuang 41,176 tourist arrivals sa pagsisimula ng buwan ng Marso 2022 kung saan 445 dito ay mga foreign tourist.