Aklan News
DOTR IPINASIGURONG MAY NAKALAANG BAYAD PARA SA MGA LAND OWNERS AT TENANT NA APEKTADO NG KALIBO INTERNATIONAL AIRPORT EXPANSION PROJECT
Ipinasiguro ng Department of Transportation (DOTr) na may nakalaang bayad para sa mga lot owners at tenants na apektado ng Kalibo Internation Airport expansion project.
Ayon kay DOTr Asec. Jim Melo, ang proseso sa pagbabayad sa mga apektadong land owners at tenant ay paunti-unti kung saan binibigyan muna nila ng 50 porsiyentong bayad ang mga ito at ang natitirang 50 porsiyento ay kapag na-secure na nila ang lahat ng dokumento kailangan sa nasabing pagbili ng lupa.
Saad ni Asec. Melo tinatayang 178 hectares ang kabuuang lupain na bibilhin ng DOTr para sa nasabing proyekto kung saan nabayaran na nila ng buo ang nasa ang 200 lots o kabuuang 48 hectares.
Samantala, ang binayaran nila ng 50 percent na halaga ay umaabot sa 57 lots o kabuuang 15 hectares.
Pahayag pa ni Melo na nitong taong kasalukuyan ay nai-download na nila sa Aklan provincial government ang mahigit sa P700 million pesos na halaga na siyang ibabayad sa iba pa na mga apektado.
Binigyan-diin din ni Asec. Melo na ang provincial government ang siyang nangangasiwa sa pagbili ng mga lupa at ang sa nasa hanay lamang ng DOTr ay ang development.
Continue Reading