Connect with us

Aklan News

DPWH-AKLAN, WALA PANG AVAILABLE NA BUDGET PARA SA REPAIR AND MAINTENANCE SA TAONG 2022

Published

on

CONTRACTOR NG GINAGAWANG DRAINAGE SYSTEM SA BAHAGI NG MABINI STREET, SUBJECT FOR LIQUIDATED DAMAGES KAPAG HINDI PA RIN MATAPOS ANG PROYEKTO
File Photo: Diadem Paderes/Radyo Todo

Nilinaw ni Engr. Joey Ureta, Head ng Maintenance Division ng Department of Public Works on Highways (DPWH) –Aklan na wala pang available na budget ang ahensya para sa repair at maintenance ng mga nasirang istruktura sa taong 2022.

Kasunod ito ng mga natatanggap na report ng tanggapan kaugnay sa mga nasirang seawall at revetment wall sa Brgy. Fatima, New Washington; Sitio Libuton, Bakhaw Norte; Sitio Pudlon ng Brgy. Mabilo at Caano, Kalibo pati na ang gumuhong kalsada sa Rizal, Nabas.

Ayon kay Ureta, sarado na ang budget allocation para sa taong 2021 at ang tanging nakahabol lang dito ay ang nasirang revetment wall sa Jumarap, Banga.

Dagdag pa nito, na hindi pa malinaw kung magkano ang total na alokasyon ng DWPH-Aklan Engineering District ngayong 2022.

Aniya pa, kailangan muna nilang mag-submit ng budget proposal para sa mga nasirang istruktura sa Brgy. Fatima at Bakhaw Norte pero hindi pa nila masiguro kung magkano ang total budget na kinakailangan i-request dahil na rin sa hirap silang i-asses ang lugar dulot ng malakas na alon at high tide.

Sa bahagi naman ng Mabilo at Caano, magpapasa rin sila ng damage report ngunit hindi pa sigurado kung mabibigyan ito ng pondo dahil ayon kay Ureta, ang mga pribadong istruktura na nasira at posible pang masira ay nakapasok sa tinatawag na danger zone at wala naman itong existing seawall na kailangan i-repair.

Kaya nag-abiso si Ureta na mag-relocate na lang ang mga residenteng  patuloy na nakatira sa danger zone.

Nabatid na ang budget allocation lang ng departamento ay para sa maintenance ng mga national roads at bridges.

Sa ngayon, ayon kay Ureta, kahit ang kanilang mga heavy equipment ay hindi makapag-operate dahil walang gasolina.