Connect with us

Aklan News

Driver at angkas ng motor, arestado matapos mambastos ng pulis

Published

on

Kulungan ang bagsak ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo matapos na mambastos sa isang pulis dakong alas-5:30 ng hapon nitong Linggo sa D. Maagma St., Kalibo.

Napag-alaman na 28-anyos ang driver ng motor na residente ng Purok 2, C. Laserna St. habang ang angkas nito ay 33-anyos na residente ng Mabini St. sa bayan ng Kalibo na nasa impluwensya ng nakalalasing na alak.

Sa report ng Kalibo PNP, sakay umano ng motorsiklo ang naturang pulis habang binabaybay ang kalsada sa may Capitol Site nang bigla nalang mag-overtake ng basta-basta ang isang motorsiklo.

Hinabol itong pulis at naabutan sa may bahagi ng Maagma at doon ito pinagsabihan.

Nagpakilala itong pulis ngunit imbes na magpakumbaba ang driver at angkas ay sumagot pa ito ng pabalang.

Pahayag ng driver, “hay ano kung pulis ka? Naka duty ka?”

Dumagdag ang angkas at sinabing,” Wa ka man naka-duty tapos masita ka. Polpol ka gale nga pulis.”

Dito na nag-umpisa ang sagutan sa pagitan ng mga ito at bahagyang naitulak pa ng driver ang pulis sa braso.

Dahil dito, agad inaresto ng mga kapulisan ang dalawa at inissuehan ng ticket dahil sa mga bayolasyon ng mga ito.

Samantala, nakatakda ring kasuhan ngayong araw ng Unjust Vexation ang mga akusado.