Connect with us

Aklan News

Driver ng truck na nakabangga-patay sa isang rider sa Altavas, sasampahan ng kaso

Published

on

Mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide ang driver ng truck na nakabangga-patay sa isang rider nitong Sabado sa Brgy. Linayasan, Altavas.

Ang hindi na pinangalanang driver ng truck ay nasa legal na edad at residente ng Dumalag, Capiz.

Matatandaang, pauwi na sana ang rider na 62-anyos sa Makato nang mabangga ito ng dump truck na umapaw ng linya sa kalsada.

Dahil dito nagtamo ng sugat sa panga, bali sa leeg at braso ang biktima dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Kaagad naman ikinustodiya ng pulisya ang driver ng truck at nakatakdang sampahan ng kaso ngayong araw.