Aklan News
Dropside truck, sumabog ang gulong sa Panayakan, tangalan; kasalubong na wing van, nasagi


SUMAGI ang isang dropside truck sa kasalubong na isa pang wing van matapos sumabog ang gulong nito sa bahagi ng Sitio Ilawod, Panayakan, Tangalan nitong umaga ng Biyernes, Mayo 16.
Sa imbestigasyon ng Tangalan PNP, papuntang bahagi ng Caticlan ang direksiyon ng naturang truck.
Pagdating sa lugar, umano’y pumutok ang gulong nito dahilan na mag-overshoot ito sa kalsada.
Dahil sa nangyari, nasagi pa nito ang kasalubong na wing van.
Wala namang naiulat na nasugatan sa aksidente.
Samantala, nagka-areglo rin ang dalawang mga sangkot nang maggkausap sa Tangalan Municipal Police Station. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading