Connect with us

Aklan News

DRUG SURRENDEREE, ARESTADO SA PAGBIBENTA UMANO NG SHABU

Published

on

Arestado dahil sa pagbibenta umano ng shabu ang isang drug surrenderee alas 6:25 ngayong gabi sa Linabuan Norte, Kalibo.

Nakilala ang suspek na si Alexis Diongson, 25 anyos ng Tigayon, Kalibo.

Sa ikinasang buy bust operation na pinangunahan ng Kalibo PNP, narekober ang isang plastic sachet ng suspected shabu kapalit ng P2,000.00 na buy bust money.

Narekober din ang isa pang sachet ng suspected shabu mula sa kanya matapos siyang i-body search.

Tumangging magbigay-pahayag ang suspek kaugnay ng mga nakuha umano sa kanyang ilegal na droga.

Ayon sa Kalibo PNP, taong 2016 nang sumuko sa pamamagitan ng kampanya kontra ilegal na droga ang suspek na na buy bust din dahil sa pagbibenta ng marijuana taong 2017.

Pansamantala siyang ikinostodiya sa Kalibo PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 1965 na isasampa laban sa kanya.